Monday, August 16, 2010
































BIG 6 MALL TOUR

According sa aming source, 5pm mageearly dinner ang Big 6 kaya after namin magprepare ng mga balloons at flowers dumiretso na kami sa Pacific mall para kunin yung gift para sa dalawa then diretso kami sa Kim's Bowl (Resto). Nagdinner na din kami dun habang naghihintay. Past 5 na pero parang wala pa din. Then tinanong ni ate she yung waitress kung dun nga yung dinner at naconfirm naman namin na 5:30 ila darating. Halos kami lang yung customers dun tapos yung anak ng may ari at yung circle of friends niya kaya medyo nakabwelo kami dun. At ayun quarter to 6 sila dumating dun. Sinalubong agad namin sila at binigay ni Ate She yung flowers kay Devs. At si bebe pa talaga nagkiss kay ate. Sinabihan ni ate i Devs na "Ang ganda ganda mo baby." At ayun abot tenga ang smile ni Devs!!!!!! woooot!!! Sobrang lutang kami ng mga moment na yun. Si DD naman dirediretso sa upuan. Pagod agad?? Hehe. 

After namin magpa sign at makapagpapicture with the BIG6, nagpaalam na kami sa kanila. Grabe di ko makakalimutan ang beso ko with Devs. At nga pala tinawag namin siya na MM tapos ayun sabi niya "ooohhhhh" hahaha. Dumiretso na kami sa venue. Pag dating namin, sobrang dami na ng tao and lumibot pa kami kasi di na namin makita yung entrance. Dala dala na din namin nun yung balloons at kumusta naman ang tinginan ng mga tao samin. Pag pasok namin ay may nakita kaming hindi kanais nais nung pag tingala namin dun sa isang building. Gets niyo na siguro yun. Haha. Pero actually di ko yun napansin kasi masyadong mataas at maliit lang naman yun. Haha. Tapos hinanap agad namin yung tarps nina MM at DD. Nakita na namin yung kay MM pero yung kay DD hindi talaga namin mahanap. Nagworry na nga kami kasi baka may kumuha na. 

Tapos ayun namigay na kami ng balloons. Actually yung mga tga kabila hindi naman sila nagnakaw ng balloons kasi pinamimigay naman namin talaga. Nakipag agawan lang naman sila. Yung isa nga dun na guy naalala ko talaga mukha niya sinabihan ko pa na pag JAEVON iwawagayway yun tapos sabi niya "OO sure". Ehem generous lang talaga ang mga GEMS kahit tga kabila sila. Haha. 

Tapos ayun nagprepare na kami ng banner and yung confetti ipinuwesto na namin. Nagperform muna yung local talents then ayun na unang lumabas si Bret, then si Fretzie, Ivan, James, Devon and Ryan.  Kanikanyang prod sila at yung Jaevon na, nakapwesto na kami ni Mark. Hanep ang hirap pala magtwist nun pinahirapan pa kami pero in fairness astigin yung confetti ever. Tamang tama sa holding hands!!!! Napatingin sila samin at owver owver sa smile!!!!! Wapaaaak yung mga tga kabila na nagwawagay ng banner nila... Sigawan din naman pati sila...ahahahaha!!! tapos sigaw kami ng Jaevon!!!!! Then ayun kumata na sila ng 2 is better then 1. Grabe yung HHWW FTW!!!! Tapos may part yung song na hiwalay sila. At kumusta naman si MM andun sa side ng tga kabila while si DD dun sa side namin. Pero bongga naman nakipagshake hands si MM sakanila kahit uber wagayway sila ng banner nila. Grabe talaga yung tilian ng mga tao lahat nakatutok talaga. Kaya lang hindi na din sila marinig dahil sa tilian. Jusko mas malakas pa sa sound system. After nun, interview moment na. Yun na nga yung question kay James na "How's your love story?" Wapak galing ng host magtanung straight to the point. Kaya lang di makasagot si DD kaya nirephrase yun na kung ano daw ba yung status nila ni MM at bonggang secret daw. Ay si DD bongga sumagot pamysterious effect. Tapos tinanong na sila ng show nila at kung ano pa ipaplug. Yun nga nabanggit nila yung YOS. At heto pa waley naman kami narinig na nagboo. Yun nga lang katabi namin na sigaw ng sigaw ng tooooooot pero deadma lang kami sakanila. Tapos ayun na nagkaroon na ng game  yun nga yung paper dance. Pinapili sila ng partners kaya lang anu kaya yun. Si DD hindi pinatagal yung exposure niya. Na out agad eh first or second palang yata yun. Then ayun na nung last part kumanta sila ng I'll be there for you :) After nun nung paalis na sila ng stage, Tumigil si Devs dun sa side namin at talagang nagthathank you siya saamin. Super sweet!! She recognized us!!!!Grabe talaga hindi siya umalis at sobrang thank you kahit hinahawi na siya nung organizer haha. Tapos nung nakasunod na sakanya si DD saka na siya dumiretso paalis. 

HOTEL 

After the mall show, hindi muna kami umalis 'coz we needed to get the banners na ikinabit sa venue. Then while we were doing that, some people approached us and telling us na gusto nila sumali sa JAEVON. What a small world nga naman kasi one of them ay kapitbahay namin. I told her to just keep in touch and gumawa na din ng acct sa PEX. They were happy to have found us kasi nga they didn't know kung pano maging active members. After talking to them, we hurriedly went our way to Pepperland Hotel ( we are so lucky because we have our CRV so mabilis talaga kami nakakadating sa mga paroroonan namin). Upon arrival, there were some people na doon waiting for them too. We just stayed outside first to have a breathe of fresh air :D. Nagkwentuhan kami at nagkulitan. Nagreminisce ng mga nangyari from the airport hanggang sa   MT. Then, may pumasok na van sa may parking. Paikot ikot muna and then, bumaba na sila finally. At nung pagbaba nagkagulo na naman sa lobby. We said hi to the BIG 6 and I also got the chance to talk to Devs and say hi to James again. I told her na magrest na dahil mukhang napagod din sila. 
Tapos nung nakaakyat na ang lahat, naghintay pa kami doon. Nagbakasakali na bumaba pa sila. Dun ko na tinawagan si Madam President Purple para magpa thank you at humingi ulit ng favor. We asked her kung pwede pa bumaba si Devs para makapag goodbye at goodnight sakanya. At ayun sinabihan kami na maghintay for a moment kasi daw magpapaalam muna si Devs (thanks din kay ate Kazel ng bonggang bongga!). While waiting, nagjoyride muna kami kasi may naiwan sa bahay ang BFF ni ate she kaya ayun. Habang nasa road kami nareceive namin ang mahiwagang text ni madam president na wait lang daw muna kami at bababa ang mga bebe. BOOOOOOOOM sobrang saya!! Lutang na lutang!! Plan sana namin nun iinvite si Devs na lumabas at magjamming kami kahit gabi na. But we were also thinking na hindi siya payagan. Pagbalik namin sa hotel, hindi pa kami nakakababa nakita na namin may pinagkakaguluhan sa pinto ng lobby and ayun na nga super OMG andun si bebe Devs!!!
Dali dali kami lumapit at tinanung ko siya kung pinayagan ba siya lumabas kasi naka get up siya eh tapos sabi niya "Ay lalabas po ba tayo? Hindi na po kasi pwede." Kahit ganun man super happy na talaga kami!! At ayun nag usap usap nga kami at wow naman talaga ang iphone. May katext lang?? Sino? haha. Tapos yun picture picture. Meron din dun mga others na nagpapicture with her. Kumusta naman nung kami na dalawa magpapicture nagsneeze ba naman si MM. Tawanan kami lahat tapos ayun I gave her back a quick rub. May nakaalala yata sakanya. Haha. Tapos naggoodnight na kami sakanya. She's fun to be with and you can see the sincerity in her smiles. Tapos paakyat na siya wave siya nang wave hanggang makarating na nga sa 2nd floor.


SOOOOOBBBRRRRRAAAANNNNG NAAAAKKKAAKKKAAMMIIISSSS!!!

Early morning, sumama ako sa ate ko papuntang airport kasi susunduin namin bestfriend niya. Nagkataon na halos magkasabay lang yung arrival ni ate at yung departure nila. I got the chance to see them leave pero hindi na ako nakalapit. Mejo alanganin na din kasi saka it was very fast na din. Pagkababa nila ng van diretso na pasok sa departure are. That's it bye bye Devs and James na talaga.